May kinalaman sa kaso ni Corona pinatatahimik

BINALAAN ni Senador Gringo Honasan ang mga taong may kinalaman sa paglilitis ng kaso ni Chief Justice Renato Corona na mag-ingat sa mga pinagsasabi sa publiko upang maiwasan ang senaryo na maaaring humantong sa pag-alsa ng taumbayan.

Ito ang pahayag ni Honasan kasunod ng panggigiit ni Senador Antonio Trillanes IV na hindi lamang nakasalalay sa merito ng kaso ang pagbabatayan ng kanyang magiging desisyon sa impeachment case ni Corona.

Sa halip, nais ni Trillanes na ikonsidera ang politika o batay sa pananaw ng taumbayan para sa ikabubuti ng bansa.

Binigyang diin pa ng senador na wala siyang alam na libro o anumang batayan na tanging ebidensya lamang ang pagbabatayan ng desisyon sa impeachment case na aniya’y political process.

Pero para kay Honasan, dapat na manahimik na lang ang mga taong may kinalaman sa paglilitis hanggang sa pagsisimula ng proseso sa Enero 16 dahil maaaring taliwas ang pagkakaintindi rito ng taumbayan at muling mag-alsa sa lansangan.

Sinabi naman ni Senate Minority leader  Alan Peter Cayetano, dapat tiyakin ng Senado  bilang impeachment court ang pagiging patas nito upang mapanatili ang imahe bilang independent na sangay ng pamahalaan.

Si Trillanes ay kilalang kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino na nagsusulong ng pagpapatalsik sa pwesto kay Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply