Maya’t maya may sunog

MALAYO pa ang Marso na buwan ng sunog subalit halos araw-araw nang may nasusunog na lugar.

Hindi lang sa Metro Manila may nagaganap na sunog kundi sa iba pang mga lugar, gaya ng malaking sunog na naganap sa Iloilo kahapon.

Malagim ang sunog, Suki, dahil hindi lang nito tinutupok ang mga naipupundar nating ari-arian kundi pati ang sarili nating buhay.

oOo

Habang lumalapit ang Marso, inaasahan natin ang mas maraming sunog dahil sa init ng panahon.

Kapag mainit kasi ang panahon, marami ang gumagamit ng kuryente para lang sila makaramdam ng lamig.

Dito umaandar ang mga elektrik pan ng mga pur samantalang erkon naman ang sa mga may sinasabi sa buhay.

Ang masama, Suki, ang daming mga kawad ng kuryente na mahihina at marurupok.

Nagagasgas tuloy ang drama ng mga bumbero sa pagsasabing “polti elektrikal wayring” ang dahilan ng sunog.

Bukod pa rito ang dami rin ng mga kasangkapang de kuryente na marurupok din at madaling mag-init at masunog.

oOo

Kabilang sa mga dapat nating gawin ang imemorays ang mga numero ng mga bumbero.

Isama na rin ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection na makukupad kung kumilos at laging sira ang mga firetruck, at hindi lang ang mga Chinese fire volunteers.

Problema nga lang ito sa labas ng Metro Manila dahil bibihira ang mga munisipyo na may fire truck.

Kung may mga training laban sa sunog sa mga barangay, lumahok po tayo para magkaroon ng kaalaman at kakayahan laban sa sunog.

At hulihin natin ang mga ungas na nagnanakaw ng mga gamit ng barangay laban sasunog.

Sunugin na rin ang mga kawatan na yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply