Maynila handa na sa pista ng Nazareno; ilang paaralan walang pasok

TINIYAK ni Manila Mayor Alfredo Lim na handa na ang siyudad ng Maynila gayundin ang mga opisyal at awtoridad na mamamahala sa prusisyon at seguridad.

Ang pagtitiyak ay ginawa ni Lim, kasabay ng kanyang pagbisita sa Quirino Grandstand kung saan isasagawa ang misa bilang bahagi ng  pagdiriwang.

Kasabay nito, sinabi rin ni Lim na walang pasok sa Lunes (Enero 9) ang mga paaralang apektado ng ruta na naraanan ng Itim na Nazareno at trapiko.

Ayon kay Ric de Guzman, chief of staff at media bureau director, kabilang sa mga paaralan at unibersidad na walang klase ay ang City College of Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Manila Science High School, Araullo High School, Manila High School, Mabini Elementary School, Avanceña High School at Santiago High School.

Bagama’t nasa pagpapasya na lamang ng mga namamahala ng private school ang sitwasyon, pinayuhan ni De Guzman ang mga ito na mas makabubuti kung isususpinde o ideklara na walang pasok upang maiwasan ang trapik at mai-stranded.

Nabatid na inayos ng lahat ang posibleng maging sagabal sa daraanan ng prusisyon lalo na ng mga debotong nakayapak.

Magtatalaga rin si Mayor Lim ng 20 ambulansiya na nakaantabay sa anumang mga emergency case bukod pa sa pag-alerto sa anim na city public hospitals.

Nananawagan din si Lim sa mga buntis at maliliit na bata na huwag nang sumama sa prusisyon upang maiwasan ang anumang disgrasya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply