Maynila naglabas ng guidelines sa shooting ng ‘Bourne Legacy’

NAGPALABAS na ng guidelines ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila para sa shooting ng international film na “The Bourne Legacy” sa lungsod.

Ayon kay Secretary to the Mayor Rafaelito Garayblas, sa kanilang sulat kay Nikolo Juban, Philippine producer ng “Bourne Legacy,” na pinayagan na nilang makapag-shooting sa iba’t ibang lugar sa Maynila ang international film.

Dahil din dito, ilang lugar sa Maynila ang kailangang isara sa trapiko.

Kabilang dito ang ilang bahagi ng San Andres St., (mula January 11 hanggang 15); J. Bocobo St., corner Remedios (January 18 at 19); Leveriza St., mula Balingkit hanggang San Andres (January 15); San Andres St., corner Quirino at Taft Ave., (January 14); Riverside Road, Real at Sta. Lucia st’s., sa Intramuros (January 25, February 17 at 18), Jones Bridge (February 5); at R. Magsaysay Blvd., (Feb 8 hanggang 15).

“Pursuant to your request and upon the favorable recommendation of the Chief, MDTEU PNP, Port Area, Manila, a permit is hereby granted to you to temporarily close to vehicular traffic certain portions [in Manila]. for the purpose of holding thereat your shooting activity, subject to following conditions,” nakasaad sa sulat ni Garayblas.

Nabatid din na bagamat sarado sa trapiko ang nabanggit na mga kalye ay kailangan naman itong buksan para sa mga emergency vehicles tulad ng ambulansya at bumbero.

Inihayag ni Garayblas, na nagbayad umano ang Philippine Film Studios, Inc. ng P500 para sa permit upang makapag-shoot sa lugar.

Napag-alaman din na 15 ang kondisyon na inilatag ng lokal na pamalahaan upang maaprubahan ang shooting ng pelikula.

Kailangan din umanong makipagkoordinasyon ang production movie company sa mga barangay chairman at Station Commanders sa mga lugar na kanilang pagsu-shootingan.

“The substantial movable barricades with informative sign shall be installed by the requestee at strategic places of the affected area. The city government of Manila reserves the right to order the removal of the barricades if public interest so requires,” ayon pa dito.

Kasama rin sa guidelines ang Anti-Noise ar Anti-Littering Ordinances sa mga lugar na pagsu-shootingan sa Maynila.

Kailangan rin umanong ang kumpanya ang magpapa-ayos ng mga masisirang infrastructures sa nasabing aktibidad.

Ang The Bourne Legacy ay isinulat at idinerehe ni Tony Gilroy ay ipalalabas sa summer season sa Estados Unidos.

Ito ay pagtatampukan nina Hurt Locker at Mission Impossible 3 star, Academy Awards nominee Jeremy Renner, Academy Awards winner Rachel Weisz at Academy Awards nominee Edward Norton.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply