Mayweather basura na kay Pacman

APAT na magagaling na boksingero ang pagpipilian ni 8-division champion Manny Pacquiao na sunod niyang makakalaban ngayong taon.

Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, dadayo siya muli ng Pilipinas para ayusin ang deal at  kausapin ang pambansang kamao.

Kabilang umano sa mga pinagpipilian sina Miguel Cotto, Juan Manuel Marquez, Timothy Bradley at Lamont Peterson.

Dahil sa pangyayaring ito, nangangahulugan lamang na malabo nang makalaban ni Pacman si Floyd Mayweather Jr. na binubuno ngayon ang 90 araw na parusa sa kasong kriminal.

Sa darating na January 8 o 10 ay bibisita si Arum kay Pacquiao para ilatag ang offer.

“We’re going to be offering Manny four potential opponents – [Miguel] Cotto, [Juan Manuel] Marquez, [Timothy] Bradley and [Lamont] Peterson,” ayon kay Arum.

Ang selection process, ayon kay Arum ay magsisimula pagkatapos ng pag-uusap nila ni Pacquiao.

Plano ni Pacquiao na bumalik ng ring sa Mayo o kaya’y sa Hunyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply