M’cañang takot sa ambang kakapusan sa langis

NANGANGAMBA na ang Malakanyang na posibleng magkaroon ng kasalatan sa suplay ng langis sa bansa bunsod ng pagkaputol ng delivery ng langis mula sa Iran.

Ito ang dahilan ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda kung bakit malaki ang posibilidad na magresulta ito ng fuel rationing.

Ang pagrarasyon ng langis ay isa sa contingency plans na ikinasa ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng opisyal na patuloy na naghahanap ng solusyon ang Department of Energy para resolbahin ang nasabing problema gaya na rin ng pagbabawas ng paggamit ng langis.

“I spoke to Energy Secretary (Jose Rene) Almendras on that. Let me clarify: it is only a contingency plan. He does not believe, that the events in the Strait of Hormuz will worsen,” ayon kay Sec. Lacierda.

Ang Strait of Hormuz ay ang tanging daanan para sa mga barko na nagdadala ng petroleum mula sa mga pangunahing oil-exporting countries ng Arabian peninsula.

Kamakailan, tumaas ang tension sa pagitan ng Iran at Estados Unidos kaugnay sa sinasabing access sa nasabing waterway na nagbigay ng banta sa maayos na delivery ng langis papunta at pabalik ng Peninsula.

Sinabi ni Sec. Lacierda na itinutulak ng pamahalaan ang programa na magde-develop naman sa alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya at ang nakatakdang pagre-revitalize ng Pantawid Pasada program, isang fuel subsidy scheme para sa public utility drivers at operators.

Todo-depensa rin ang Malakanyang sa panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula kaninang madaling araw.

Ang katwiran ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, transparent naman ang pagkuwenta ng oil companies sa ipinatupad ng big time oil price hike.

Kasama aniya ang publiko lalo na ang transport groups sa monitoring ng presyuhan ng produktong petrolyo.

Sakaling may paglabag o pag-abuso, pinagpapaliwanag naman ng gobyerno ang mga
kompanya ng langis.

Epektibo pa rin ang average na P1.50 oil price increase sa diesel at gasoline.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply