McDonald’s, King Sue Ham, ipinasara ng LLDA

DAHIL sa paglabag sa Clean Water Act, ipinasara ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang dalawang kilalang kumpanya ng pagkain dahil sa hindi pagsunod sa tamang pagtatapon ng maruming tubig.

Nagpalabas ang LLDA ng desist order na ang ibig sabihin ay ipinasara ang waste water facility ng McDonald’s sa Frontera Verde sa Pasig City at King Sue Ham and Sausage Corporation sa West Grace Park, Caloocan City upang mahinto ang pagtatapon ng maruming tubig na nagtutuluy-tuloy sa Laguna Lake.

Personal na nag-inspeksyon si LLDA General Manager Neric Acosta at nadiskubre sa McDonald’s na grease trap lamang ang mayroon sa nasabing establisimiyento at kulang umano sa waste water treatment facilities at walang discharge permit.

Ayon naman sa McDonald’s Philippines, nasa proseso sila ng pagsasaayos ng kanilang water system na tugma sa nakasaad sa Clean Water Act.

Sumunod naman na ininspeksyon ay ang King Sue Ham at nadiskubreng hindi nakakonekta ang waste water nito sa water treatment facility.

Direkta rin umanong tinatapon ang mga waste water sa mga common drainage area.

Tiniyak naman ng kinatawan ng King Sue na tatalima sila sa utos ng LLDA.  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply