McGrady pinatay ang nagliliyab na Heat

PUMABOR kay star player Tracy McGrady ang zone defense kaya naman napalamig ng Atlanta Hawks ang Miami Heat, 100-92 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina sa Miami.

Pinatay ng Hawks ang nagliliyab na Heat gamit ang zone defense matapos dumagit ng 16 puntos, seven rebounds at four assists kabilang ang back-to-back treys sa fourth canto ni McGrady.

“He played exceptionally well,” patungkol ni Heat star player James kay McGrady. “When you’re born a scorer, you’re always a scorer. No matter what may happen to athleticism or anything like that, he’s a natural born scorer and we saw that tonight.”

Abante ang Heat sa pagbubukas ng fourth canto, 71-67 subalit isang 15-3 run ang dinagit ng Hawks upang ikambiyo ang lamang sa kanila, 74-82 may 7:12 na lang ang nalalabing oras.

Naibaba sa apat na puntos ang hinahabol ng last year’s runner up Heat matapos isalpak ni James ang kanyang salaksak at isang freethrow ni Udonis Haslem, 88-84 may 3:24 minuto na lang sa laro.

Pinatay naman agad ni McGrady ang usok ng Heat nang ibato nito ang bola kay Josh Smith para sa isang alley-oop dunk.

“Great execution,” masayang sabi ni McGrady. “That’s what you have to do when you’re playing great teams.”

“Been a long time since I had that feeling,” dagdag ni McGrady. “It feels good. It feels right.”

Si point guard Joe Johnson ang humarbes ng maraming puntos na 21 para sa Hawks kasama ang limang boards at isang assist habang kagaya ni McGrady, 16 din ang ginawa ni Al Horford para ilista ang 4-1 win-loss slate ng Atlanta.

Namantsahan ng isang talo sa limang laro ang Miami kahit 28 puntos, pitong rebounds at anim na assists ang tinarak ni James.

Samantala, lahat ng teams ngayon ay may bahid na talo ito’y matapos mabigo rin ang Oklahoma City Thunder, (5-1 card) sa defending champion Dallas Mavericks, 87-100.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply