Media ‘di kasali sa gag rule sa impeachment

NILINAW ni Sen. Antonio Trillanes IV na hindi kabilang ang media sa pinagbabawalang magsalita hinggil sa paglilitis ni Chief Justice Renato Corona alinsunod sa itinakda ng Section 18 ng Rules of Procedure on Impeachment Trial.

Ayon kay Trillanes, tanging ang partidong direktang kasama lamang sa kasong impeachment ang sakop ng Section 18 ng Rules of Procedure on Impeachment Trials.

“It should be clarified that only those enumerated in the rules, namely senator-judges, prosecutors, the person impeached and his counsel and the witnesses, are asked to refrain from commenting and disclosing information pertaining to the merits of the impeachment case,” ani Trillanes.

Ayon pa sa senador, ang mga spokesperson, hangga’t hindi sila miyembro ng prosecution o ng defense panel, media at iba pa ay malayang makapagpapahayag ng mga impormasyon ukol sa impeachment trial nang sa gayon para sa kapakanan ng publiko.

Dagdag pa ni Trillanes: “In fact, we should encourage public discourse and discussion of the issues relating to this historic event as long as it complies with the impeachment rules.”

Ayon sa Section 18 ng Senate Resolution 39, ang prosecution, senator-judges, impeached person, ang kanilang mga abogado at mga saksi ay dapat umiwas sa pagbibigay ng komento at mga impormasyon sa publiko patungkol sa merito ng nakasalang na impeachment complain.

“Bilang representative ng taong-bayan, kami ay dapat gumanap ng aming tungkulin batay sa interes at kung ano ang makabubuti sa ating mamamayan. Kaya, mahalagang panatilihin ang pagiging transparent ng mga impeachment proceeding,” paliwanag ni Trillanes. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply