Media killings sa term ni PNoy tumindi

LABIS na naaalarma ang National Press Club of the Philippines  at Alyansa ng Filipinong Mamamahayag sa patuloy na pagkamatay ng mga mamamahayag sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ang pagkaalarma ay dahil hindi matugunan ang lumalalang suliranin sa pamamaslang sa mga journalist na sinasabing higit na marahas kahit isinusulong ng pamahalaan ang solusyon para maparusahan ang may kasalanan sa pamamaslang.

Batay sa ulat ng NPC Pres Freedom Committee na pinamumunuan ni Director Joel Egco, lumalabas na higit na marami ang mamamahayag na napaslang sa unang 20-buwan ng panunungkulan ni PNoy kumpara sa unang da­lawang taon ng mga nakaraang administrasyon.

“Batay sa pagtataya, umaabot sa limang mediamen ang napatay sa unang dalawang taon ng Arroyo administration, kabilang sina Mohammad Yusop ng Radio DXID Pagadian City (Februay 23, 2001); Joy Mortel ng Mindoro Guardian (May 31, 2001); Candelario Cayona ng Radio DXLL sa Zamboanga City (May 30, 2001); Edgar Da­malerio ng Zamboanga Scribe at DXKP Radio sa Pagadian City (May 13, 2002); at Rhode Sonny Esguerra Alcantara ng “Quo Vadis San Pablo” at Kokus sa San Pablo, Laguna (August 22, 2002),” pahayag ni NPC President Jerry Yap, batay sa report ni Egco.

Samantalang sa unang 20-buwan ng panunungkulan ni PNoy, umabot na sa 12 journalists ang napatay at pinakuhi rito si Christopher Guarin na walang awang pinagbabaril sa harap mismo ng kanyang asawa noong Enero 5, sa General Santos City.

Bukod kay Guarin, napatay rin sina Jose Daguio ng Kalinga province; Miguel Belen ng DWEB FM ng Camarines Sur; Edilberto Cruz ng Salida talboid ng Nueva Ecija; Edison Falmeniana Sr. ng Mindanao Inquirer  ng Zamboanga Del Sur; Dr. Gerry Ortega ng Puerto Princesa, Palawan; Cirilo Gallardo ng DWWW FM sa Abra; Len Flores Somera ng DZME sa Manila; Romeo Olea ng DWEB-FM ng Bicol; Neil Aranga Jimena ng DyRP Iloilo at DyAG ng Cadiz City; Datu Roy Quijada Gallego, radio commentator sa Caraga Region at Alfredo “Dodong” Velarde Jr. ng  Brigada News sa Gen. Santos City.

Samantala nababahala na rin si AFIMA President Benny Antiporda sa tumitinding pamamaslang sa mga mamamahayag ngayon.

Ito na umano ang pinakamasamang sitwasyon na dapat pag-ukulan ng pansin ng pamahalaan sa kasalukuyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply