Melissa may tama pa kay Jake!

LAMAN na naman ng mga balita si Melissa Ricks nang kumalat ng parang apoy ang pag-iyak daw niya sa ASAP dahil kay Jake Cuenca. Ang dating tuloy sa mga taong nakakita ay hindi pa rin siya nakakapag-move on sa nangyaring break-up nila ni Jake.

“Oh my God, luma na ‘yung isyu sa amin ni Jake. More than a year na yata kaming wala. Ang nakakainis lang kasi ay lagi nilang binabalik-balikan ang isyu sa amin ni Jake.

“It was my birthday celebration at ASAP. And my co-host were making tukso sa amin ni Jake! Kesyo kiss-kiss raw si Jake sa akin. Naloloka talaga ako dahil parang it was uncalled for dahil birthday ko nga. I just laugh with them na lang. Pero siyempre nandyan ‘yung inis! I was really upset.

“I admit I cried off camera kasi nga parang feeling ko e nabastos ako. Kasi ang tagal na ‘yung nangyari amin ni Jake pero lagi nilang binabalikan. Dapat move on na di ba? Let’s all forget about it.

“But in fairness to Jake, wala naman siyang kasalan sa nangyari. In a way, naging victim rin siya ng circumstances kaya wala siyang dapat ipag-sorry sa akin. Wala siyang ginawa against me,” pahiwatig ni Melissa.

Paano sila ni Jake ngayon? Are they friends?

“No Jake and I are not friends. We’re not speaking to each other. I think we are better off not being friends. Kasi it’s not going to workout naman e.

“No wala naman akong galit sa kanya. Hindi naman ako bitter. I just wanted to forget everything. Huwag na lang natin siyang pag-usapan. May sarili na naman siyang buhay ngayon. At ako rin,” tugon ni Melissa.

Kasama si Melissa sa bagong teleseryeng “Walang Hanggan” na pinagbibidahan nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Coco Martin at Julia Montes. Pagkatapos niyang magbida sa “Nasaan Ka, Elisa?,” nagulat ang lahat nang tinanggap niyang maging suporta lang dito. Pero ayon kay Melissa, happy raw siya at naging bahagi siya ng isang napakalaking proyekto ng ABS-CBN.

Okey lang sa kanya ang maging kontrabida. Ang mahalaga ay hindi siya nababakante. Nagpapasalamat pa nga siya at may kasunod kaagad siyang project pagkatapos ng Nasaan Ka, Elisa?.

***

MUKHA namang natalbugan na ni Julia Montes si Kathryn Bernardo kasi si Coco Martin na ang latest na kapareha nito sa primetime soap na Walang Hanggan. Samantalang nananatiling pa-teeny bopper pa rin si Kathryn sa “Growing Up” na isang non-primetime show at inila-loveteam sa isang baguhang unknown.

Let’s face it. Mas mature naman kasi ang itsura ni Julia Montes kaya pwede na siyang ipareha sa mga de-kalibreng leading men ng ABS-CBN tulad ni Coco. At mas bongga rin ang lovelife niya, being linked with Sam Milby himself. Kaya naman ginu-groom na siya ng ABS nang husto ngayon bilang kapalit ni Andi Eigenmann na maagang naging nanay.

***

SINA Rocco Nacino at Chariz Solomon ang special guests ng “Bubble Gang” ngayong gabi. Kasama sila sa Order sa Resto gags at GSM (Pacman/Solenn) commercial spoof. May adventure sina Chche Bureche sa 3 Kings at alamin ang bagong gagawin ni Mr. Assimo. Ano ang Tatak Ng Pagmamahal at Shake, Rattle and Fall? Nakarinig na ba kayo ng Tago Away. Patuloy ang paghirit ni Boy Pick-Up sa Pick-Up Lines. Kakantahin naman ni Moymoy Palabay ang All By Myself. Plus regulars Mispelling Gee at Ba’t Ganun?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply