Melo commission report ipinabubunyag na

HINILING ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na ilabas na sa publiko ang report ng imbestigasyon sa media killings sa bansa gaya ng binuong Melo Commission at Task Force USIG.

Ayon kay Colmenares, mukhang mapupunta rin sa wala ang binabalak na pagbuo ng panibagong task force para sa pinakaunang mamamahayag na pinaslang ngayong 2012 na si Christopher Guarin.

Giit ni Colmenares, ang dapat pagtuunan ngayon ng gobyerno ay ang tuloy-tuloy na imbestigasyon sa mga pagpatay sa mamamahayag at ang pagdakip at pagbuwag sa mga sindikatong pumapaslang sa mga taga medya at hindi lamang puro papogi.

Hindi rin naniniwala si Colmenares na matitigil ang pagpatay sa miyembro ng media sa pagpayag na maarmasan ang mga ito dahil malilipat sa kanila ang tungkulin na dapat ay ginagawa ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply