Absent na senators sa impeachment dumami

DUMAMI ang mga senador na lumiban sa ikatlong araw ng impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Nabatid na dalawa ang nadagdag sa mga absent na senador.

Eksaktong alas-2:08 ngayong hapon, iniulat ni Senate Secretary Atty. Lirio Reyes na umabot lamang sa 19 na senador ang nakadalo sa pagbubukas ng ikatlong sesyon ng impeachment trial.

Sa 19 na senador, natuklasan na wala sa listahan na nakadalo sa pagbubukas ng sesyon sina Sen. Manny Villar at Sen. Antonio Trillanes IV.

Noong unang araw naman ng paglilitis ni Corona, pormal na nagpasabi sina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Loren Legarda na hindi makadadalo sa impeachment trial.

Ayon kay Santiago, dumaranas siya ngayon ng hypertension kaya’t kailangan tutukan ng kanyang manggagamot ang kanyang kalusugan.

Ikinatuwiran naman ni Legarda na kasalukuyan niyang inaalagaan ang may sakit na ina.

Kumpleto naman ang panig ng prosecution at defense panel, katulad din sa gallery na punong-puno pa rin ng pangkaraniwang mamamayan, kabilang ang VIP section na kinauupuan ng mga dating senador, kongresista at ibang opisyal ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply