Mga dayuhan dadagsa sa Immigration

NAKATAKDANG dumagsa mula Martes, Enero 3 sa mga tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhang nasa Pilipinas upang magpatala para sa kanilang taunang ‘annual report.’

Ayon kay BI-Alien Registration Division (ARD) chief Ronaldo Ledesma, Isinasaad sa Aien Registration Act of 1950 na kailangang magtungo sa punong tanggapan o sa mga sangay ng kawanihan sa buong bansa ang mga dayuhan sa loob ng 60 araw mula sa Bagong Taon.

Sakaling mabigo ang isang dayuhan na gumawa ng kanyang annual report, maaari siyang parusahan o mapatalsik ng bansa dahil sa pagiging undesirable alien.

Umapela rin si Ledesma sa mga dayuhan na magtungo ng  maaga sa kanilang tanggapan at huwag nang hintayin pa ang deadline para gawin ang pagpapatala.

Kabilang sa mga dayuhan na kailangang magpatala para sa annual report ay ang mga banyagang may hawak ng immigrant at non-immigrant visa. Magbabayad ang mga ito ng kabuuang halagang P310 para sa nasabing dokumento.

“Kailangan din ipakita ng mga dayuhan ang kanilang ACR I-card bago payagang gumawa ng kanilang annual report,” pahayag pa ni Ledesma.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply