Mga deboto dagsa sa ‘pahalik sa Poong Nazareno’

DAGSA na ang mga deboto sa pagsisimula ng “pahalik sa Itim na Nazareno” sa Quiapo, Maynila.

Tinatayang umabot sa 100,000 deboto ang dumating sa pahalik sa First Friday mass kahapon (Enero 6) sa Simabahan ng Quiapo kung saan hanggang Quezon Boulevard ay umabot ang pila ng mga nagnanais na makahawak at makahalik sa Itim na Nazareno.

Samantala, ayon sa awtoridad, handa na ang lahat para sa prusisyon ng mga replica ng Nazareno ngayong araw.

Handa na rin umano sila para sa mismong araw ng pista sa Lunes (Enero 9) kung saan inaasahang walong milyon deboto ang darating.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply