Mga hokus-pokus sa PAG-Ibig dapat busisiin

PROBLEMA tungkol sa remittance  ng PAGIBIG Fund ng isa sa mga member ng nasabing ahensya ang isasalang natin dito.

Laking  gulat ni Judy Nabartey nang tingnan niya ang rekord ng contribution nito sa PAGIBIG, halos 12 months lang ang naging contribution nito simula noon pang 2001.

Active member na si Nabartey since 2001. ‘Yun nga lang, nagpalipat-lipat siya ng agency.

Pero ang siste, ng kanyang tingnan ang rekord ng kanyang contribution ay nasa 12 months lang ito.

Anong hokus-pokus ang nangyayari sa mga contribution ng mga contributor ng PAGIBIG Fund?

Hindi kaya ibinubulsa ito ng mga kawatang miyembro ng PAGIBIG Fund, Mrs. Darlene Bernabe-Lim, ng PAGIBIG?

Baka naman puwede pong imbestigahan ninyo kung paano nangyaring 2001 pa na naghuhulog ng kanyang contribution si Nabartey pero sa rekord ay 12 months lang ang contribution nito.

SUGALAN SA LAGUNA, PADER

Sa Laguna ay hindi mapatigil ang talamak na  operation ng lotteng nina Ronel sa Biñan, Edwin alyas Tose sa San Pedro at San Pablo.

Palibhasa walang ipinagmamalaki sina Ronel at Tose kundi direkta sila kay Gov. ER Ejercito kaya walang huli ang kanilang lotteng sa lalawigan.

Ultimo ang kapulisan ay hindi kumikilos para ipahuli ang nasabing lottengan ng dalawa.

TALAMAK NA SEX TRADE SA LAPU-LAPU

Sa Pasay City naman ay patuloy pa rin ang sex tra-de sa Lapu-Lapu Sauna Bath (formerly Magellan) sa Buendia St., Pasay City.

Hindi ko lang alam kung totoo ang balita na si Mayor Antonio Calixto ang nasa likod ng pananatili ng operasyon  nito kahit ‘front’ ito ng prostitution.

Mantakin ninyo, relaxation ang nasa business permit nito pero ang totoo ay masturbation at sex trade ang ginagawa sa loob ng  nasabing sauna.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply