Mga kasali sa impeachment maging mabuting modelo sa kabataan– CBCP official

DAPAT na magpakita ng mabuting halimbawa sa mga taong sumusubaybay sa pagdinig sa kaso ng punong mahistrado, lalo na sa mga kabataan, ang mga taong sangkot sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ang payo ay ginawa ni Father Cunegundo Garganta, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Youth, kasunod ng bangayan sa pagitan ng prosekusyon at defense team at ang paninermon ni Senadora Miriam Santiago na aniya’y may malaking epekto sa kaugalian ng mga kabataan at kulturang Filipino.

Ayon kay Garganta, dapat ipakita ng nasa prosekusyon, depensa at maging ng impeachment court ang kahinahunan at pagiging propesyunal upang magsilbing huwaran sa publiko at mga kabataan.

“Inaasahan din natin sa ating mga senador, kongresista at mga abogado ng both defense and prosecution team na magpakita nang mabuting halimbawa sa ating mga manunuod lalo na sa mga kabataan.” ayon kay Garganta sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Ipinaliwanag pa ng CBCP official na bilang mga kinatawan ng taumbayan, dapat ipakita ng mga ito ang mabuting asal na may paggalang sa dignidad ng kapwa na siyang gagawing halimbawa ng mga kabataan sa kanilang paglaki at pagharap sa hamon ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply