Mga kaso sa Sandiganbayan mabilis na reresolbahin

INIHAIN na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong mapabilis ang pagresolba sa mga nakabinbin na kaso sa Sandiganbayan.

Ito ang nakapaloob sa Senate Bill No. 3099 na inihain ni Senador Franklin Drilon, kung saan nais niyang amiyendahan ang Sandiganbayan Law partikular ang Section 3 nito na nagsasaad na hindi dapat bababa sa tatlo ang bilang ng justices bago dinggin ang ebidensya at testigo.

“”The existing provision became inapplicable to the present times since the government has expanded and cases filed before them have multiplied over the years, and that provision only contributes to the increasing number of unresolved cases,” ayon kay Drilon.

Inihayag ni Drilon, ibinatay lamang niya ito sa ulat na dumarami ang bilang ng mga nakabinbin na kaso sa hukuman kung saan umaabot na sa lima hanggang walong taon bago nareresolba.

“When you go to the Sandiganbayan, humongous files of unheard and unresolved cases would welcome you. This should be addressed if the government is reforming our justice system,” dagdag pa ng senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply