Sangkot sa impeachment pinatatahimik

DAPAT munang manahimik at iwasang magbigay ng anumang pahayag sa media ang mga taong may kinalaman sa pagdinig sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na sinimulan nang dinggin sa Senado ngayong araw.

Partikular na pinayuhan ni Batanes Bishop Camilo Gregorio ang Malakanyang na maunang manahimik upang maging mabuting halimbawa sa lahat.

Ipinaliwanag ni Gregorio na lalo lamang lalala ang naturang isyu at bangayan ng mga lider ng bansa kung magpapalitan pa ng akusasyon ang magkabilang panig.

Iginiit pa ng Obispo na kailangang mangibabaw ang rule of law sa impeachment at hindi ang public opinion.

“I have to say this emphatically. Dapat manahimik lahat and let the Senate investigate it and decide it as seriously as fairly as they can.  At kung dapat manahimik, its should start from Malacanang,” ayon kay Gregorio.

“One more thing, public opinion is not the gauge. It’s not the measure of a person of being guilty or not.  Hindi dapat manaig ang public opinion dito! Let us be a country that is ruled by law and a very democratic country! Kailangan ang rule of law at hindi ang public opinion! Kasi kung public opinion, iyan ay depende sa sentiments, emotions which can be manipulated and presently manipulated,” aniya pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply