Tagasuporta ni Abalos nag-rally sa Pasay RTC

DAAN-DAANG tagasuporta ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos ang nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Pasay City Hall of Justice Lunes ng umaga.

Ang rally ay bilang pagpapakita ng suporta sa dating Comelec chairman na kasalukuyang nakapiit sa Southern Police District Office.

Ayon sa mga staff ni Mandaluyong Mayor Benjur Abalos, nais lamang nilang ipamalas kay Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 Judge Jesus Mupas ang kanilang pagmamahal sa dating Comelec chairman.

Sa ngayon ay didinggin din ang ilan pang mosyon na inihain ni Abalos, maging ang kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply