Mga tripulanteng Pinoy pinapurihan

PINURI ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kabayanihan ng mga tripulanteng pinoy ng cruise ship na Costa Concordia na dumating sa bansa.

Inilalayan at iniligtas ng mga tripulanteng Pinoy ang mga banyagang pasahero ng tumagilid na cruise ship upang maunang makasakay ng mga lifeboats papalayo sa barkong tumagilid.

Inuna ng mga Pilipino ang mga dayuhan lalo na ang mga nasaktan  bago ang kanilang mga sarili kung saan nakunan ng video ang kanilang kabayanihan.

Karamihan sa mga Pinoy ay mga naka-assign sa kusina ng barko at wala umano silang naisalba sa kanilng mga gamit kundi ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay suot pa ang kanilng mga uniporme sa Costa Concordia pagdating sa NAIA 1.

Tatanggap umano ang mga tripulanteng Pinoy ng tulong pinansyal sa kanilang kumpanyang pinagtatrabahuhan sa Italya at gayundin sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nangako ng ayuda para sa kanila.

Sasailalim din ang mga ito sa psycho-social debriefing dahil sa sakunang kinaharap.

Nangako naman ang Magsaysay Shipping Lines para magkaroon agad ng trabaho ang mga bayaning tripulante ilang buwan mula ngayon . Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply