Mga nagwagi sa 69th Golden Globe Awards

BONGGA naman ang isa sa pinakasikat at pinakaprestihiyosong award giving body sa mundo, ang 69th Golden Globe Awards.

Ito ay ginanap sa Beverly Hilton Hotel sa Las Vegas, Nevada.

Gaya ng inaasahan, muling nagpatalbugan ang mga designer clothes at mamahaling alahas ng mga female Hollywood celebrity na rumampage sa red carpet.

Agaw-pansin ang power couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.

Elegante ang arrive ni Angelina sa kanyang one-shoulder drape ivory satin gown na may pulang accent.

Lutang naman sa gowns ng celebrities ang mga metallic at sequined themes at mas marami sa kanila ang pumili ng kulay na ivory at dark colors kagaya ng burgundy, blue at blue-green.

****

Meryl Streep, George Clooney super wagi

BEST Picture naman para sa drama category ang nasungkit ng pelikulang “The Descendants” kung saan bida si George Clooney.

Naiuwi rin ni Clooney ang Best Actor award.

At ang Hollywood legend na si Meryl Streep naman ang nagwaging Best Actress sa kanyang mahusay na pagganap bilang si dating British Prime Minister Margaret Thatcher sa “The Iron Lady.”

Ito na ang ika-walong Golden Globe trophy ni Streep.

Ang silent film naman na “The Artist” ang nag-uwi ng Best Picture trophy para sa comedy/musical category.

****

NARITO ang iba pang nagsipagwagi sa 69th Golden Globe Awards:

Best Supporting Actor in a Motion Picture – Christopher Plummer, Beginners

Best Actress in a Television Series (Musical or Comedy) – Laura Dern, Enlightened

Best Miniseries or Television Film – Downton Abbey

Best Actress in a Miniseries or Television Film – Kate Winslet, Mildred Pierce

Best Actor in a Television Series (Drama) – Kelsey Grammer, Boss

Best TV Series (Drama) – Homeland

Best Original Score (Motion Picture) – Ludovic Bource, The Artist

Best Original Song (Motion Picture) – Madonna, “Masterpiece,” W.E.

Best Actor in a Miniseries or Television Film – Idris Elba, Luther

Best Actress in a Motion Picture (Musical or Comedy) – Michelle Williams, My Week With Marilyn

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply