Mike Arroyo naghain ng counter-affidavit sa Ombudsman

NAGHAIN si dating First Gentleman Mike Arroyo ng kanyang counter-affidavit sa Office of the Ombudsman patungkol sa maanomalya umanong pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng mga segunda-manong helicopter.

Nabatid na kasamang nagtungo ni Arroyo sa tanggapan ng Ombudsman ang kanyang mga abogadong sina Attorney Edna Batacan at Attorney Mark Baikin.

Pahayag ng dating ginoo, wala siyang kinalaman sa maanomalya umanong pagbili ng mga naturang chopper.

Hindi aniya siya bahagi ng Lourdes Tuazon Arroyo (LTA) nang mangyari ang transaksyon sa pagitan ng Lion Air at PNP.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply