Mikey Arroyo at misis isasalang sa arraignment

HAHARAP na bukas sa arraignment si Ang Galing Pinoy (AGP) Partylist Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo at misis nitong si Maria Angela kaugnay sa isinampang tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).

Inaasahang alas-8:30 ng umaga babasahan ng sakdal sa sala ni Judge Marie Christine Jacob ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 100 ang mag-asawang Arroyo na kinasuhan ng BIR dahil sa hindi umano pagbabayad ni Rep. Mikey ng buwis para sa taong 2005, 2008 at 2009 at sa taong 2003 hanggang 2008 naman ni Angela.

Matatandaan na noong Nobyembre, 2011 pa dapat binasahan ng sakdal ang mag-asawa pero ipinagpaliban matapos pagbigyan ng korte ang kahilingan ng mambabatas na payagang makapunta sa Estados Unidos para sa isang official business.

Pansamantalang nakalalaya ang mag-asawa matapos magpiyansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply