Mindanao summit iginiit ni Koko Pimentel

NANINIWALA si Senador Aquilino “Koko” Pimetel III na ang pagkakaroon ng Summit sa Mindanao ay sagot sa anumang darating na kalamidad na magliligtas sa maraming buhay.

Ito ang naging reaksyon at panawagan ng senador matapos ang kagimbal-gimbal na trahedya na naranasan ng mga kababayan sa Mindanao sa bagyong Sendong partikular na sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Iginiit ni Pimentel, ang pag-oorganisa ng Mindanao Summit ay kinakailangan upang malaman ang kakayahan ng rehiyon sa natural at man-made na kalamidad na darating sa kanilang bayan at magkaroon ng konkretong hakbang para sa paghahanda sa anumang sakuna.

Bukod sa kahandaan sa anumang sakuna,ang Mindanao summit ang magdedetermina ng panggagalingan ng pondo mula sa lokal at international.

Layunin nito kung paano gagastusin at upang malaman kung ang makikinabang dito ay pawang mga biktima ng kalamidad sa Mindanao.

Dagdag pa ng senador, ang naturang summit ay makikipag-ugnayan din sa mga concerned government agency at non-government organization at pribadong indibidwal na tumutulong sa mga kalamidad, upang agarang mabigyan ng tulong ang mga biktima sa panahon ng trahedya upang mabawasan ang mga bilang ng mga namamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply