Minimum na sahod sa bus drivers epektibo na sa Enero 16

SIMULA sa Enero 16, 2012 ay ipatutupad na ang minimum na sahod sa mga driver ng pampasaherong bus sa buong bansa partikular sa Metro Manila.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Manuel Iway, board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hakbang ay upang maalis na ang pagiging kaskasero na mga bus driver na palagiang nagmamadali sa pamamasada upang makalikom ng malaking porsyento mula sa arawang kita ng minamanehong bus.

“Pinirmahan na namin sa board ang circular order ng LTFRB noong January 2 at epektibo ito after 15 days at ito nga ay sa January 16 na nagkakaloob ng fix rate sa bus drivers,” pahayag ni Iway.

Sinabi ni Iway na ang hakbang ay dumaan muna sa masusing pag-aaral at pagkatig ng bus operators nationwide.

“Maganda naman ang pagtanggap ng bus operators sa hakbang para naman maalis na ang paghagibis ng mga pampasaherong bus sa mga lansangan dahil sa paghahabol ng driver nito sa kita, ngayon di na sila magmamadali dahil may kita o hindi ang passenger bus, ang driver ay may fix rate na matatanggap na sinhalaga ng minimum na sahod ng mga manggagawa,” dagdag ni Iway.

Ang pagkakaloob ng fix rate sa bus drivers ay matagal ding pinagdebatehan sa LTFRB board hearings dulot ng pagtanggi noon ng ilang bus operators.

Pero nang makitang mapoprotektahan naman nito ang riding public at ang mismong driver ng bus at konduktor ay pumayag din ang mga ito.

Gayunman, sinabi ni Iway na ang hindi tutupad sa hakbang ay maaaring masuspinde ang prangkisa o malamang na masuspinde ang operasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply