Miriam ‘di nakadalo sa impeachment trial ngayong araw

HINDI nakadalo si Senator-judge Miriam Defensor Santiago sa ikawalong araw ng paglilitis sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, ngayong araw.

Ayon sa staff ng senaodra, hindi makadadalo ang mambatatas dahil sa mataas na naman ang presyon ng dugo nito na 180/100.

Nakasaad din sa liham na ipinadala ng senadora kay presiding officer Juan Ponce Enrile, pagbangon umano niya kaninang umaga ay tumaas ang presyon ng kanyang dugo. Ngunit bumaba din aniya ito sa 160/90 matapos makainom ng gamot.

Noong nakaraang linggo, nabuwisit at na-high blood din ang senadora sa isang miyembro at abogado ng prosekusyon. Hindi rin niya natapos ang pagdinig noong Huwebes matapos na tumaas ang blood pressure.

Samantala, marami ang nadismaya at nalungkot nang mabatid na hindi makadadalo si Santiago sa pagdinig ngayong araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply