Miriam handa nang sumabak sa impeachment

“I’M READY to rumble! :-).”

Ito ang sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanyang Twitter account matapos ang ilang araw na bakasyon dahil sa hypertension.

Ayon sa tweet ng sendora, handa na siyang sumabak sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“I’m back to work at the Senate. I will be interpellating on the Anti-Cybercrime Bill this morning,” sabi ni Santiago sa kaniyang account na @senmiriam.

Nagpasalamat din ang senadora sa mga taong nagdasal para sa kanyang kalusugan.

Ayon sa ilang netizens, mas magiging maganda at makulay ang balitaktakan sa paglilitis kay Corona kung naroroon ang senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply