Miriam ready na naman sa Corona trial bukas

HANDANG-HANDA na si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings ng Senado bukas laban kay Chief Justice Renato Corona, makaraang tumaas ang presyon ng dugo nito nitong nakaraang linggo.

Ito ang mismong tiniyak ng senador, matapos isinailalim sa magnetic resonance imaging (MRI) kung saan tinitingnan pati ang utak ng isang tao.

Biro pa ni Santiago, wala pa naman siya sira sa ulo base sa resulta ng eksaminasyon.

Napag-alaman na nagpahinga ang senadora nang umabot sa 180/90 ang presyon ng dugo nito nang pagalitan si Atty. Arturo Lim ng prosekusyon.

Naka-standby naman ang isang Dr. Renato Sison na sumusuri sa lagay ng senadora.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply