Miriam sa ICC: ‘Tapusin ko lang ang kaso ni Corona’

NAIS ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na tapusin muna ang impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona bago magsimula sa kanyang trabaho bilang halal na hukom sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos ihayag ng senadora na sa darating na Marso ay manunumpa ang anim na panibagong nahalal na hukom ng ICC at hintayin kung kailan sila ipatatawag para humawak ng kaso.

Pero nais hilingin ni Santiago sa ICC na saka na siya ipatawag sa oras na matatapos na ang impeachment trial sa punong mahistrado.

Binigyang diin pa ng senadora na kahit isang boto lang siya bilang senator-judge, importante iyon para pagpasyahan ng impeachment court ang kaso ni Corona.

“Even only one vote could be crucial to decide the impeachment case.  Hence, I shall take steps to persuade the ICC to call me, only until after the impeachment decision has been promulgated,” ani Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply