Misis, 2 pa pinagtataga ng may sayad sa Capiz

SUGATAN ang tatlo katao makaraang pagtatagain ng lalaking may sakit sa pag-iisip sa Barangay Minan Tapaz, Capiz.

Sa imbestigasyon, humingi ng tulong ang isang Elsie Parle sa mag-asawang albularyo na sina Melchor at Melinda Castor para gamutin ang mister na si Danny Parle na kanyang pinaniniwalaang naengkanto.

Hiniling ng ginang na sa kanilang bahay matulog ang mag-asawang albularyo dahil may kalayuan ang bahay ng mga ito.

Habang mahimbing na natutulog ang lahat ay biglang nagulantang ang ginang nang makarinig ng malakas na kalabog at ikinagulat nang makitang tinataga na ng kanyang mister ang mag-asawang albularyo.

Dahil sa pangyayari ay tinangkang kunin ng ginang ang itak sa suspek ngunit dahil mas malakas ito sa kanya ay nataga rin siya ng sariling mister.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply