Misis nagbigti nang mabukong may ka-text si mister

NAGBIGTI ang isang tatlong-buwang buntis nang mabasa nito ang matatamis na mensahe ng babaeng palihim na textmate ng kanyang  mister sa Carcar City kaninang madaling araw.

Sinubukan pang isalba ang buhay ng biktimang si Myrna Bacario, 24 sa pamamagitan ng pagputol ng nylon cord na nakapalupot sa leeg nito pero namatay din ito sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling araw ng mismong biyenan na lalaki ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Sitio Bagakay, Barangay Valencia.

Bago ito, nabatid sa pulisya na nag-away ang magka-live in kagabi (Enero 15) nang mabasa ni Myrna ang matatamis na mensahe umano ng babaeng ka-textmate ni Marsan.

Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng magka-live-in hanggang mauwi sa matinding pag-aaway na lumamig din maya-maya lamang.

Pero hindi roon natapos ang gulo, dahil makalipas ang ilang oras ay nadiskubre ni Mang Danny ang nakabiting katawan ng biktima sa kisame ng kanilang bahay.

Agad na pintutol ni Mang Danny ang nylon cord na nakapalupot sa leeg ng biktima para bigyan ito ng first aid pero huli na ang lahat dahil wala nang buhay si Myrna.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply