Missile test fire sa Iran inginusong dahilan ng oil price hike

INGINUNGUSO ngayon ng Department of Energy (DOE) ang missile test fire ng Iran ang sanhi ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa pahayag ni Energy Undersecretary Jay Layug, ang missile test fire ay kasunod ng panibagong oil price adjustment ng Pilipinas Shell na ipinatupad simula kaninang hatinggabi (Enero 3).

Sinabi ni Layug, na inaasahan na nila ang pagtaas ng produktong petrolyo ng Shell at nakikita naman nitong makatwiran ang ipinatupad na oil price increase ng nasabing kumpanya.

Samantala, kinontra naman ito ni George San Mateo Secretary General ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na nagsabing walang maibigay na magandang rason si Layug at pati umano ang missile test ng Iran ay iniuugnay sa pagtaas sa presyo ng petrolyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply