Mister kalaboso sa baby armalite

SWAK sa kulungan ang isang mister matapos mahulihan ng baby armalite habang nagwawala sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kagabi (Enero 24).

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearm si Glen Piaz, 57 at residente ng D. Aquino St., ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-10:30 kagabi, nagwawala sa tapat ng kanilang bahay si Piaz habang hawak ang baby armalite na naging dahilan upang ireport ito sa mga pulis.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at hindi na nakapalag si Piaz nang arestuhin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply