Mister sinumpak, tigbak sa Caloocan

UTAS ang isang mister matapos itong kuyugin ng apat na kalalakihan at malapitang barilin ng improvice shotgun sa Caloocan City kagabi (Enero 17).

Namatay mismo sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Romelito Tejada y Bonto Jr, 35, may-asawa at taga-Magnolia St., Camarin ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng sharpnel ng sumpak sa dibdib.

Inatasan ni Sr. Supt Jude Santos, hepe ng Caloocan police, ang kanyang mga tauhan upang agad na madakip ang magkapatid na suspek na sina Emerson Piccio (34-anyos), Erick Piccio (32), at dalawa pang kasama na si Lorenzo Ramos (28) at isang hindi nakuha ang pangalan, na pawang risidente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:06 ng gabi ng managanap ang insidente.

Nabatid na naglalakad ang biktima ng biglang harangin ng mga suspek. Pumalag ang biktima at dahil dito, sinumpak ng isa sa apat na suspek ang biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply