Mister todas sa saksak ng ‘7 Bulabog’

PATAY ang isang mister nang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga miyembro ng grupong “Siyete Bulabog” sa Malabon City kaninang madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak katawan si Eduardo Mondares, 42 ng Gozon Compound, Tonsuya ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw, hinabol ng mga salarin ang biktima sa nasabing lugar at nang maabutan ay pinagtulungang pagsasakin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilalan ng mga tumakas na miyembro ng nasabing grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply