MMDA magkakaroon dry run sa e-tagging

MAGKAKAROON ng dry run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa electronic tagging o e-tagging system na maaaring gamitin sa mga pampublikong bus at jeep.

Sa bagong sistema, madaling matutukoy ang mga sasakyan at madali ring mahuhuli ang mga lumalabag sa batas trapiko.

Sa ilalim ng tinatawag na e-tagging system, hindi na kailangang ipintura ang plate number sa gilid ng sasakyan, tulad dati sa paint tagging scheme.

Ngayon, isang maliit na sticker na lang ang kailangang ikabit sa windshield.

Sa pamamagitan nito, hagip ang lahat ng impormasyon na laman ng electronic tag kapag dumaan ang sasakyan sa mga fixed reader.

Diretso ang impormasyon sa isang computer kung saan makikita ang mga importanteng detalye, tulad ng plate number at pangalan ng driver.

Ayon pa sa kumpanyang gumagawa ng nasabing teknolohiya, hindi basta mata-tamper o mapepeke ang electronic tag.
Mismong mga transport groups ang nagprisinta ng ideyang ito sa MMDA.

Samantala, mas mainam na ang e-tagging kaysa sa paint tagging scheme.

Hinihintay na lang ngayon ang go signal ng MMDA bago ipatupad ang e-tagging scheme. Kung aprubahan ito, anim na buwan ang kailangan para malagyan ng e-tag ang lahat ng pampublikong sasakyan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply