Mosyon ng House panel sa condo ni Corona, ibinasura

HINDI na ipatatawag ng impeachment court ang mga pribadong developer na pinagbilhan ng tagong-yaman ni Chief Justice Renato Corona matapos ibasura ng impeachment court ang mosyon ng House prosecution panel.

Sa panayam pagkatapos ng impeachmen trial kanina, sinabi ni Senate Majority leader Vicente Sotto III na hindi na ipatatawag mga private developers na may kaugnayan sa mamahaling real property ni Corona.

“Ayaw ng korte eh. Di ba tumayo na si Sen. Chiz Escudero and Pia Cayetano, questioning the motion,” ayon kay Sotto.

Nauna nang naghain ng mosyon ang House panel sa impeachment court upang ipatawag sa paglilitis kay Corona ang mga pribadong developer kabilang ang pagpapadala ng mga dokumento kaugnay na pagbili ng ari-arian ng punong mahistrado.

Base sa mosyon ng prosecution panel, nakatakda sanang ipatawag ang mga sumusunod upang tumestigo sa paglilitis:

  1. Giovani C. Ng,  Finance director of Megaworld Corporation, of World Center Building, Makati , owner and developer of Belagio Properties;
  2. Aniceto V. Bisnar and Lourder R. Reyes, authorized representatives of  Fort Bonifacio Development Corporation, Bonifacio Global City, Taguig City, owner and developer of Spanish Bay Tower. Bonifacio Ridge, The Fort Global City.;
  3. Grace Evangeline F. Manankil-Sta Ana at Nerissa N. Josef, authorized representatives ng Community Innovations, Inc., ang nagpatayo ng The Columns sa Buendia at Ayala Avenue sa  Makati City;
  4. Rogelio T. Serafica, president of Burgundy Realty Corporation, owner and developer of Burgundy Plaza in Katipunan Ave., Quezon City.

“Kapag ipinatawag mo sila, lalabagin nito ang right to privacy ng mga pribadong developer.  Ibig ba nilang sabihin na gusto mong lumuhod ang mga private developer sa inyo?” giit ni Sotto.

“Gusto ba nila na malaman din nila kung sino pa ang iba pang bumili ng mga condo sa kanila?” tanong ni Sotto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply