Mosyon sa Corona case reresolbahan sa Lunes

TINIYAK ni Senate President Juan Ponce Enrile na unang reresolbahan sa pagbubukas ng Impeachment Court ang lahat ng mosyon na inihain hinggil sa kasong kinahaharap ni Supreme Court Chief Justice Renato Corrona, sa Lunes, Enero 16.

Sinabi ni Enrile, tatayong presiding officer ng Impeachment Court, na pagbobotohan ng Senado ang unang mosyon ni Corona na magkaroon muna ng preliminary hearing.

Isusunod naman ang mosyon ng isang abogado na humihiling na i-contempt ang House prosecution panel na naglantad ng ebidensiya sa publiko hinggil sa ill-gotten wealth ni Corona.

Ayon sa pangulo ng Senado, napagkasunduan ng lahat ng senator-judges na reresolbahin muna ang mga inihaing mosyon bago simulan ang pormal na paglilitis sa kaso ng punong mahistrado.

Kahapon (Enero 9), siniyasat ni Enrile ang mismong session hall ng Senado na pagdadarausan ng paglilitis at pinatitiyak niya na nasa maayos ang mga upuan ng depensa at prosekusyon pati na ang para sa mga senator-judges.

Samantala, sa Lunes inaasahang bago ang kulay ng toga na susuutin ng mga senator-judges, ito’y matapos na mapagpasyahan na baguhin ang dating toga dahil maraming mga mambabatas ang nagrereklamo sa kulay nito. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply