Mosyon sa inhibition ni Drilon ibinasura ni JPE

TULUYAN nang ibinasura ni Senate President Juan Ponce Enrile ang mosyon ni Chief Justice Renato Corona na humiliing na patalsikin sa impeachment court si Sen. Franklin Drion dahil sinasagip nito ang kapalpakan ng House prosecution panel.

Sa isang press conference sa kanyang tanggapan ngayong araw, sinabi ni Enrile na hindi isinama ang mosyon sa agenda na tatalakayin ng impeachment court sa Lunes (Enero 30) bago magsimula ang impeachment trial ni Corona.

“Hindi na (idi-discuss sa caucus). We will not act on that, I will not even present that to the members of the court,” pagdidiin ni Enrile.

Aniya, tanging si Drilon lamang ang puwedeng magdesisyon sa naturang mosyon kung papatulan niya ito o hindi dahil walang pakialam ang ibang senador-judge sa naturang mosyon.

Idinagdag pa ni Enrile na hindi rin nila puwedeng ipa-disqualify si Drilon dahil kung gagawin nila ito ay parang inireklamo na nila ito sa Senate committee on ethics kung saan ito lamang ang may kapangyarihan para magpataw ng parusa sa isang miyembro ng kapulungan.

“He is an elected representative of the people and under the Constitution he is entitled to sit in all proceedings of the Senate unless he’s removed in accordance with our rules of ethics,” paliwanag niya.

Kung magrereklamo umano ang defense panel sa hindi nila pagkonsidera sa inihain nilang mosyon, sinabi ni Enrile na sa ibang korte na lamang sila magreklamo kung tatanggapin ang kanilang reklamo.

“They can appeal, if they can appeal somewhere” ani Enrile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply