MR ni Comelec ex-chair Abalos muling ibinasura

MULING nabigo si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos na makakuha ng motion for reconsideration makaraang tanggihan siya ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112.

Kanina sa pagdinig ay humarap si Abalos kasama ang kanyang mga abogado sa sala ni Judge Jesus Mupas.

Ang hiling na MR ni Abalos ay upang ibasura ng Korte ang kanyang kaso na isinampa ng Comelec, kaugnay sa sinasabing dayaan sa halalan noong 2007.

Binigyan naman ng korte ang prosekusyon hanggang Miyerkules upang magkomento bago magpalabas ng resolusyon sa kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply