Motion nina GMA, Abalos ibinasura ng Pasay RTC

IBINASURA na ng Pasay City Regional Trial Court ang inihaing motion nina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Comelec Chairman Benjamin Abalos.

Anga motion to recall na inihain ng kampo ni dating Pangulong Arroyo ay ibinasura ni Pasay RTC branch 112 Judge Jesus Mupas gayundin ang motion to inhibit na inihain naman ng kampo ni Abalos.

Ayon kay Pasay RTC sheriff Rodelio Buenviaje, ang pagbasura sa mga motion ay nangangahulugan na mananatili sa kulunga sina Arroyo at Abalos.

Kaugnay nito ay nakatakda nang basahan ng sakdal o humarap sa arraignment sa Pebrero 13, 2012 sina Arroyo, dating election supervisor Lintang Bidol at dating Maguindanao governor Andal Ampatuan.

Sa ngayon ay nakatakdang dalhin ang kopya ng resolusyon kay Arroyo sa Veterans Memorial Hospital at kay Abalos na nakakulong naman sa Southern Police District. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply