Motorcycle lane ikakasa na rin sa Edsa

SIMULA sa Pebrero 14, ipatutupad na rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang motorcycle lane sa kahabaan ng Edsa.

Isusunod naman dito ang sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at Macapagal Boulevard sa Pasay at Parañaque City.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, magsasagawa muna ng dry run bago mag-Pebrero 14 para sa implementasyon nito.

Ang ikalawang lane mula sa inner lane ng Edsa ang inilaan ng MMDA para sa mga motorsiklo. Gayunman, nilinaw na hindi ito eksklusibong lane para sa mga nagmomotorsiklo.

Magkakabit na ng mga signage ang MMDA ukol sa motorcycle lane sa kahabaan ng Edsa mula Monumento hanggang Pasay at pabalik sa Caloocan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply