Motorista pinag-iingat sa namimitas ng side mirror

NAGBABALA ang Manila Police District (MPD) sa mga motorista na mag-ingat sa modus operandi na pamimitas ng side mirror ng iba’t ibang uri ng sasakyan matapos na maaresto ang isang mag-asawa sa Quaipo, Maynila.

Ang mag-asawang sina Dionisio at Esmilinda Caingat ng 637 A. H. Lacson st. sa Sampaloc, Maynila ay nahuli sa akto na bitbit ang isang plastic bag ng mga pinitas na side mirror.

Isang Ermesto Caballero, executive director ng PCGSLAI at Jesus Faller, retired Police ng MPD, ang personal na naghain ng reklamo laban sa mag-asawa dahil kabilang sila sa nanakawan ng side mirror ng kanilang mga sasakyan.

Nahaharap ngayon sa kasong theft from motor vehicle and violation of R A 4136 (non-wearing of crash helmet) ang mga suspek .

Nauna rito, nabatid kay P/ Supt James Afalla ng MPD-PS 3 na naharang ang mga suspek na magkaangkas sa “MOTOR STAR” (4299-TO) sa panulukan ng Vergara at Fraternal st. sa Quiapo, Maynila dahil sa paglabag sa simpleng batas trapiko na hindi pagsusuot ng helmet noong Miyerkules ng hapon (Enero 18) ngunit nabuking sila nang makita sa kanilang pag-iingat ang mga pitas na side mirror.

Dahil dito,pinaalalahan ni Afalla ang publiko lalo na ang mga motorist na tiyaking may nagbabantay sa kanilang mga sasakyan kapag iiwanan nila ito sa isang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply