Motorsiklo nahulog sa tulay, 3 patay

TATLO katao ang namatay kabilang ang dalawang estudyante na nakikain lamang sa isang binyagan  matapos aksidenteng mahulog sa tulay ang motorsiklo na kanilang sinasakyan sa Tuguegarao, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, daglian ang naging kamatayan nina Mark Anthony Tadena, 22, ng Brgy. San Roque; Ryan Roldan, 17, at Belardo Gutierrez, 16, kapwa estudyante at residente ng Brgy. Centro, Enrile.

Sa pagsisiyasat, lumabas na dahil sa taas ng pinagmulan ng kanilang pagbagsak ay pare-parehong nabagok ang ulo ng mga biktima sa mga naglalakihang  bato na nakaimbak sa Pinacanauan river nang  mahulog ang kanilang sinakyang motorsiklo.

Nagtamo rin ng galos sa iba’t ibang parte ng katawan nang marekober ng Rescue 29 ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang mga biktima sa ilog.

Ayon kay Supt. Mardito Angoluan, hepe ng Tuguegarao PNP, dumalo sa binyag sa Brgy. Capatan ang tatlo batay na rin sa pahayag sa kanilang tanggapan ng mga kamag-anak ng biktima.

Inihayag ni Angoluan na isang residente ang nakakita sa matuling takbo ng motorsiklo bago mahulog sa ilog.

Ayon sa mga kamag-anak ng mga biktima, itinakas lamang nila ang ginamit na motorsiklo na may plakang BL 4648 kung saan agad silang nakipag-ugnayan sa pulisya nang marinig na may nahulog na motorsiklo sa naturang ilog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply