Motorsiklo vs trak: 2 sugatan sa Kyusi

SUMALPOK ang isang motorsiklo sa isang dumptruck na ikinasugat ng dalawang katao sa fly-over ng Quezon Ave-EDSA kaninang madaling-araw, Enero 13.

Nabatid sa driver ng motor na si Jereto Coniconde Jr., nagulat na lang sila nang biglang huminto ang truck kaya hindi na siya nakaiwas at agad na tumama sa truck bandang alas-2:00 ng madaling-araw.

Ayon naman sa driver ng dumptruck na si Ronnie Sadanal, kahihinto pa lang nila at pababa na sana ang kanyang pahinante para magtrapik at maglagay ng warning sign nang biglang bumangga ang motor.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic officer Marlon Romen, may 10 minuto na ang nakakalipas nang huminto ang dumptruck sa lugar pero hindi agad ito naglagay ng warning devices kaya sumalpok ang motorsiklo na ikinasugat ng dalawang sakay nito.

Agad namang dinala sa ospital ang dalawang sugatan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply