Munisipyo ng Sto Tomas Batangas binarikadahan

Sto. Tomas Batangas – Kasalukuyang nakakandado ang gate at nakabarikada sa lahat ng

entry point ng munisipyo ng Sto. Tomas Batangas ang mga supporter ng unseated mayor na si Renato “Atong” Federico makaraang ipawalang bisa ng Commission on Election en banc ang pagkakaproklama sa kanya bilang mayor.

Ipinawalang bisa ang pagkakaproklama bilang mayor kay Federico dahil sa nakitang violations sa kanyang kandidatura base sa election protest na isinumite ni Osmundo Maligaya na mahigpit na kalaban ng dating incumbent mayor na si Edna Sanchez, pumalit sa mister nito na si Arman Sanchez, namatay habang nangangampanya bilang kandidato sa pagkagobernador ng Batangas.

Nagbarikada ang mga tauhan ni Federico dahil sa takot na mag-force entry ang grupo ni Osmundo Maligaya, idineklarang valid candidate sa mayoralty race sa munisipalidad ng Sto. Tomas Batangas.

Pinagtawanan naman ni Maligaya ang takot ng grupo ni Federico sa pagsasabing hindi niya gagawin ang naturang bagay at hihintayin niya na siya ay maiproklama at maimplementa ang pagpapaalis sa pwesto kay Federico ng Comelec at DILG.

Lumalabas na mahigit isang taon at kalahati ring ipinaglaban ni Maligaya ang kanyang kandidaturda para magkuha ang hustisya sa naganap maanomalyang eleksyon sa kanilang bayan.

Itinanggi rin ng kampo ni Maligaya ang sinabi ni Attorney Ferdinand Topacio, abogado ni Federico na may kinalaman ang Liberal Party sa naging desisyon ng Comelec sa pagpapatalsik sa kanyang kliyente.

Ayon kay Rey Meer, tumatayong spokesperson ni Maligaya, kahit kabilang sila sa partido Liberal ay hindi sila nakatanggap ng ano mang tulong kahit noong nakaraang eleksyon.

Ipinaglaban nila ang nasabing election protest nang sila lang at walang iba pang personalidad na tumulong sa kanila.

Kinatigan ng Comelec ang petisyon ni Maligaya nang makitang hindi balido ang kandidatura ni Federico dahil lampas na sa deadline na isinasaad sa batas
ang pagfile nito ng kandidatura bilang substitute candidate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply