Mupas, Abalos maghaharap sa IBP

ITINAKDA ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) bukas (Enero 13) ang pagdinig ukol sa alegasyon ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos na tangkang pangingikil ng ilang nagpakilalang emisaryo umano ni Pasay Regional Trial Court Judge Jesus Mupas.

Sinabi ni IBP executive director Jose Cabrera na kanila nang napadalhan ng imbitasyon si Judge Mupas, Abalos at ilang personalidad upang mabigyan linaw ang alegasyon.

Ayon sa opisyal, itinuturing umano nilang “serious allegation” ang mga pahayag ng dating poll body chairman lalo’t sangkot umano ang mga miyembro ng IBP.

Maalala na sa naunang pahayag ni Abalos, nilapitan umano ito ng dalawang abogado na nagpakilalang emisaryo ng huwes at humihingi ang mga ito ng P100 million kapalit ng paborableng desisyon sa kaniyang kaso.

Si Abalos ay nahaharap sa non-bailable offense na electoral sabotage at kasalukuyang nakapiit sa Southern Police District detention cell.

Samantala, umaasa naman ang abogado ni Abalos na tuluyan ng mag-inhibit sa kaso si Judge Mupas.

Ayon kay Atty. Brigido Dulay, iginiit nito na kung may nakitang basehan ang Court of Appeals para mag-isyu ng temporary restraining order sa arrest warrant ng lower court dapat umanong pag-isipan ni Judge Mupas ang pag-inhibit sa kaso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply