Mupas binawi ang desisyon vs Abalos, abogado nito

GANAP nang binawi ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) branch 112 Judge Jesus Mupas ang kanyang desisyon kaugnay sa kasong contempt of court laban kina dating Comelec chairman Benjamin Abalos at abogado nitong si Atty. Brigido Dulay.

Ayon kay RTC spokesperson Felda Domingo, nag-isyu ng Temporary Restraining Order ang Court of Appeals kasunod ng paghahain ng petition for certiorari na kumukuwestiyon sa desisyon ni Judge Mupas para i-contempt sina Abalos at abogado nito.

Sinabi pa ni Domingo na tumalima lamang si Judge Mupas nang matanggap ang inilabas na TRO ng CA at kaagad na binawi ang warrant of arrest laban kay Atty. Dulay.

Sa kabila naman ng paghahain ng petisyon, maglagak ng piyansang P4,000 si Dulay para sa kanyang pansamantalang paglaya sa kabila ng paglalabas ng TRO at mababawi lamang niya ang inilagak na piyansa sa oras na maging pabor sa kanya ang resulta ng inihaing petition for certiorari. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply