Murder case vs Akmad Ampatuan kinatigan ng CA

KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon sa pagbasura sa apelang motion for reconsideration ng isa sa mga miyembro ng pamilya Ampatuan.

Sa tatlong pahinang kautusan, ibinasura ng CA former 16th Division ang motion for reconsideration na inihain ni dating Mamasapano Mayor Datu Akmad Tato Ampatuan dahil sa kawalan ng merito.

Nabigo ang petitioner na magharap ng bagong mga argumento para mabaligtad ang naunang resolusyon na pumapabor sa indictment o pagsasampa ng kaso sa korte laban kay Ampatuan kaugnay ng naganap na Maguindanao Massacre.

Sa kanyang petisyon, kinukwestiyon ni Akmad ang resolusyon ni dating Justice Secretary Alberto Agra na nagsasabing may probable cause para siya ay isama bilang mga akusado sa massacre.

Ang panibagong kautusan ay isinulat ni Justice Francisco Acosta at sinang-ayunan nina Justices Vicente Veloso at Angelita Gacutan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply